Dapat ding tutukan ang iba pang problema ng bansa maliban sa illegal drugs
Payo ito ng dating Pangulong Fidel Ramos sa Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna na rin ng patuloy na kampanya kontra iligal na droga
Ayon kay FVR kinakailangang tugunan din ng Duterte Administration ang kahirapan at mababang foreign direct investments sa bansa
Sinabi ng dating Pangulo na mataas ang pagkilala niya sa liderato ng Pangulong Duterte subalit hindi dapat matuon sa iisang sektor lamang ang efforts ng gobyerno
Una nang inihayag ni FVR na natatalo ang Pilipinas sa unang Isandaang araw sa puwesto ni Duterte
By: Judith Larino