Pinarangalan ng PNP ang tinukoy nitong Ten Outstanding Policewomen sa buong bansa
Kabilang sa mga awardee sina SUPT Criselda de Guzman ng muntinlupa, Police Supt Elizabeth Velasquez ng PNP-CIDG, Inspector Anjanette Tirador ng Tagum, Davao Del Norte Inspector Jenely Kiwingan – OIC ng Calanasan, Apayao Inspector Sheryl Bautista ng PRO 7, PO3 Aileen Catugas ng Lingayen PNP, PO3 Abigail Rayala ng OAS, Albay, PO2 Maricar Anastacio ng Guigunto, Bulacan, PO2 Lalaine Castro ng PRO 8, at PO1 Haidelyn Arevalo ng Aroroy, Masbate
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Director Ramon Apolinario, hepe ng PNP directorial staff na ang mga magigiting na kababaihan ay bahagi ng labing Limang porsyento ng halos Dalawandaang libong puwersa ng PNP
Binigyang diin ni Apolinario na kaya na ring gawin ng mga babae ang nagagawa ng mga kalalakihan na hindi naman kaya ang ilan sa mga gawaing babae tulad nang panganganak
Kasabay nito pinasalamatan ni Apolinario ang mga babaeng pulis sa pagpapanatili ng magandang imahe ng PNP dahil sa magandang gawi ng mga nasabing miyembro ng PNP
By: Judith Larino / Jonathan Andal