Mababasura lamang ang mga kasong isasampa ni Senadora Leila de Lima laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ng Malacañang kasunod ng plano ni De Lima na kasuhan ng Writ of Amparo at Petition of Writ of Habeas Data ang Pangulo sa Korte Suprema dahil sa pang-aabuso umano sa kanyang kapangyarihan.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakausap na niya si Justice Secretary Vitaliano Aguirre at wala aniyang kahahantungan ang isasampang kaso dahil mayroong immunity from suit ang nakaupong Pangulo.
Inihayag ni De Lima na magsisilbing test case ito laban kay Pangulong Duterte dahil wala namang nagtangkang gumawa ng ganitong hakbang sa sinumang nakaupong Pangulo
By: Avee Devierte / Aileen Taliping