Tinanggap na ni United Nations (UN) Special Rapporteur Agnes Callamard ang imbitasyon ng gobyerno ng Pilipinas na imbestigahan ang umano’y extrajudicial killings sa bansa.
Sa kanyang tweet, winelcome ni Callamard ang imbitasyon sa kanya ng Malacañang.
Gayunman, aminado ang UN Official na hindi pa niya natatanggap ang official letter.
Magugunitang inihayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagpadala na sila ng imbitasyon kay Callamard at hinihintay na lamang ang tugon nito.
US at EU
Inimbitahan na rin ng Pilipinas ang Amerika at ang European Union para imbestigahan ang mga kaso ng extrajudicial killing sa bansa.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay Duterte, bubuksan nya ang Pilipinas sa anumang imbestigasyon basta bigyan lamang sya ng pagkakataon na makapagsalita at magtanong.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino
Photo Credit: www.un.org