Nagtaas na ng alerto ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng bagyong Karen.
Ayon sa NDRRMC, pinakilos na nila ang mga opisyal ng kanilang tanggapan sa mga lalawigan para matiyak ang mabilis na responde kapag nanalasa ang nasabing bagyo.
Partikular na binigyan ng babala ng NDRRMC ang mga taga-Bicol region, region 4 at northern Luzon.
Nag-abiso na rin ang Philippine Coast Guard sa mga mangingisda na maging alerto sa malalaking alon sa eastern section ng bansa.
Sa huling monitoring ng PAGASA ay bahagyang lumakas ang bagyong Karen na nasa bahagi na ng Catarman Northern Samar.
May taglay ang bagyo ng lakas ng hanging aabot sa 55 kilometer per hour na may pagbugsong aabot sa 70 kilometer per hour.
Inaasahang gagalaw ito pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 11 kilometer per hour.
Sa ngayon ay wala pang nakataas na public storm signal warning sa buong bansa.
By Judith Larino