Patay sa pamamaril ang Tatlong South Korean Nationals nang matagpuan ang mga labi nito sa Bacolod City
Pawang nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang tatlo na kinabibilangan ng dalawang lalaki at isang babae na nakagapos ang binti gayundin ang braso
Agad namang nakipag-ugnayan ang South Korean Foreign Ministry sa kanilang consular office sa Pilipinas hinggil sa nasabing insidente
Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng pambansang pulisya ang insidente upang matukoy ang motibo sa naturang pamamaslang sa tatlong dayuhan
By: Jaymark Dagala