Pinamamadali na ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa Commission On Audit ang isinasagawa nitong imbestigasyon
Ito’y kaugnay sa pagkawala ng 90 Milyong Pisong pondo ng pamahalaang lungsod ng Laoag
Ayon sa Gubernadora, kinukulit na rin sila maging ng Department of Finance sa kung ano ang naging resulta ng ginawang imbestigasyon
Nagtataka rin si Governor Marcos kung bakit wala pa ring resulta ang ginagawang imbestigasyon gayung Apat na buwan na ang nakalilipas mula nang simulan ito
By: Jaymark Dagala