Kibit balikat lamang ang Amerika sa panibagong foreign policy na nais ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa Pilipinas.
Ayon kay US State Department Deputy Spokesman Mark Toner, hindi sila nababahala sa nakatakdang pagdalaw ng Pangulo sa China ngayong darating na Martes sa halip, itinuturing pa nila itong positibong hakbang.
Binigyang diin ni Toner na mahalaga ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China partikular na sa seguridad ng rehiyon ng Asya Pasipiko kaya’t hindi nila ito minamasama.
Bagama’t patuloy na pinahahalagahan ng Amerika ang kooperasyon ng Pilipinas, hindi aniya sila titigil sa pamumuna hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa mga iba pang kaalyadong bansa kapag may mga paglabag sa karapatang pantao.
By: Jaymark Dagala