Timbog sa kamay ng mga awtoridad ang isang 20 taong gulang na Brazilian model makaraang tangkain nito na magpuslit papasok sa bansa ng 6.2 kilos ng cocaine.
Ayon kay NAIA Customs District Collector Ed Macabeo, itinago ng suspek na si Yazmin Fernandez Silva ang droga sa kanyang check-in suitcase na may street value na 32 million pesos.
Si Silva ay pasahero na nagmula pa sa Brazil via Dubai lulan ng Emirates air Flight EK 332.
Isiniwalat ni Macabeo na si Silva na ang pangatlong drug courier na pinigil ng Customs sa NAIA Terminal 3 kung saan sila ay parehong nanggaling sa bansang Brazil via Dubai at ang pinal na destinasyon ay ang Maynila.
By Jelbert Perdez | Raoul Esperas (Patrol 45)