Nagsimula na ngang mag-practice sa ilalim ng bago niyang bakuran si two time MVP James Yap.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si James ng mga larawan kasama ang mga manlalaro ng bago niyang koponan na Rain or Shine Elasto Painters.
Ayon kay James, excited na siya para sa susunod na conference.
Ito ang unang pagkakataon na makakapaglaro sa bagong team si James matapos ang 13 taong paglalaro sa ilalim ng Star Hot Shots.
Kapalit ni James sa Hot Shots ang dating Painters na si Paul Lee.
By Ralph Obina
Photo Credit: James Yap /Instagram