Bahala na ang Department of Justice kung bibigyan nila ng immunity ang umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa.
Ito’y ayon kay pambansang pulisya o Philippine National Police ay dahil sa hindi naman ito ang kanilang prayoridad sa kasalukuyan.
Ayon kay PNP Spokesman S/Supt. Dionardo Carlos, mas mahalaga sa kanila ay ang mai-uwing buhay si Kerwin sa Pilipinas at maiharap sa Baybay, Leyte Regional Trial Court na siyang naglabas ng warrant of arrest laban kay Espinosa.
Maliban sa paglabag sa itinatadhana ng dangerous drugs act, nahaharap din ang nakababatang Espinosa ng kasong illegal possession o firearms and ammunitions.
By: Jaymark Dagala