Hanggang ngayon ay ayaw pang lagyan ng label ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola ang namamagitan sa kanila ng TV host na si Luis Manzano.
Ayon kay Jessy, hindi naman sila nagtatago ni Luis madalas nga ay lumalabas silang magkasama at nakikita ito ng publiko.
Ngunit sinabi ng aktres na mahirap lagyan ng label ang kanilang relasyon dahil ang mahalaga sa ngayon ay maligaya sila sa piling ng isa’t isa.
Inamin naman ni Jessy na sa tindi ng kanyang nararamdaman sa ngayon sakaling ayain siya ni Luis na magpakasal ay mapapa-Oo agad siya.
By Rianne Briones