Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapaliban sa Sangguniang Kabataan at barangay elections na nakatakda sana sa Oktubre 31.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, kinakailangan hintayin pa ang pagdating ng nilagdaang batas at iba pang mga dokumento bago ito maipapadala sa mga concerned government offices partikular ang Commission on Elections (COMELEC).
Sinabi naman ni Communicaions Assistant Secretary Ana Marie Banaag na hindi pa makumpirma kung saan partikular na lugar nilagdaan ang naturang batas, kung ito ay duon sa Davao City bago umalis ang Pangulo, sa eroplano o sa paglapag nito sa Brunei.
Una nang pinaburan ng Pangulo ang pagpapaliban ng naturang eleksyon upang hindi magamit ang narco-money sa kampanya ng mga barangay officials na sangkot sa iligal na droga.
By Rianne Briones