Dumating na kagabi sa Beijing, China si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang apat na araw na state visit.
Ganap na alas-8:07 ng lumapag ang eroplanong lulan ang Pangulo at ang opisyal na delegasyon nito.
Inaasahang tampok sa state visit ni Pangulong Duterte ang kanyang bilateral meeting kay Chinese President Xi Jinping, Chinese Premier Lee Keqiang at sa mga Chinese investors.
Kabilang sa mga isyung matatalakay ang territorial dispute sa West Philippine Sea, kooperasyon sa anti-drug campaign at pagpapalawak ng trade relations ng Pilipinas at China.
Samantala, malaki umano ang paniniwala ni Pangulong Rodrigo Duterte na China ang nakikita nitong tanging pag-asa ng Pilipinas para sa kaunlaran.
Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na China ang potensyal na panggalingan ng kapital para sa pagtatayo ng imprastaktura.
Sinabi ni Duterte na mabuti pa ang China na hindi binabatikos ang kanyang anti-drug war.
Kasabay nito, ibinida pa ng Pangulo na Chinese ang kanyang lolo at positibo ang kanyang pananaw sa China.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na hangad niyang magkaroon ng “soft landing” sa China kaugnay sa territorial dispute sa West Philippine Sea imbes na makipag-away o makipagmatigasan kung saan wala naman daw laban ang Pilipinas.
By Mariboy Ysibido