Sinalubong ng papuri mula sa mga Chinese officials si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdating sa China.
Ayon kay Foreign Ministry Spokeswoman Hua Chunying, kuntento sila sa paraan ng pagresolba ng Presidente sa territorial dispute sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng konsultasyon at dayalogo.
Iginiit ni Hua na ang isang tulad ni Duterte ay nararapat na i-welcome ng mga naghahangad ng kapayapaan, katatagan, pag-unlad at kasaganaan sa Asya Pasipiko.
Si Pangulong Duterte ay kasalukuyang nasa China para sa kanyang apat na araw na state visit.
Military alliance
Samantala, hindi makikipag-military alliance ang Pilipinas sa China.
Ito ang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng pagkansela nito sa war games sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Ayon sa Pangulo, wala syang balak na palalain pa ang mainit na sitwasyon sa pagitan ng mga bansa.
Aniya, wala siyang papasukang bago at wala ring ibabasurang mga military alliances.
By Jelbert Perdez | Rianne Briones
Photo Credit: AP