Umabot sa halos 4000 pasahero ang na istranded sa mga pantalan sa ibat ibang lugar sa bansa sa kasagsagan ng pananalanta ng Bagyong Lawin.
Maliban dito, nabalam rin ang biyahe ng may 328 rolling cargoes, 33 pampasaherong mga barko at 79 na motorbanca.
Ang mga istranded na pasahero at barko ay mula sa Southern Tagalog, Western Visayas, Bicol at North Eastern Luzon.
Ayon kay Commander Armand Balilo, Spokesman ng Phil Coastguard, mahigpit nilang ipinatupad ang guidelines sa paglalayag tuwing masama ang panahon upang makaiwas sa disgrasya.
By: Len Aguirre