Pormal nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkalas ng Pilipinas sa Estados Unidos.
Inihayag ito ng Pangulo sa harap ng mga opisyal at negosyante ng China kaalinsabay ng ginawang Philippines – China Trade and Investment Forum.
Sinabi ng Pangulo, kaniyang susundin ang ideyolohiya ng China gayundin ng Russia na nakatakda rin niyang bisitahin sa hinaharap.
Magugunitang ilang beses binanatan ng Pangulo ang Amerika at Europa dahil sa pambabatikos nito sa mga nangyayaring patayan hinggil sa kampaniya kontra droga ng pamahalaan.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping