Itinanggi ng Taiwan na binantaan nila ang Philippine Coast Guard matapos ang naganap na standoff noong Mayo 25.
Ayon sa TECO o Taipei Economic and Cultural Office sa Pilipinas, walang sinuman sa kanilang personnel ang nagsabing babarilin nila ang mga Pinoy dahil miscommunication ang naganap.
Sinasabing hinila umano ng mga operatiba ng Bureau of Fisheries ang fishing boat ng Taiwan mula sa Batanes nang bigla itong harangin ng Taiwan Coast Guard.
Minabuti ng Pilipinas na pakawalan na ang barko upang maiwasan na ang paglala pa ng tensiyon matapos ang apat na oras na negosasyon.
By Jelbert Perdez | Kevyn Reyes