Handa ang Social Security System (SSS) na ibigay ang nararapat na kompensasyon sa pamilya ng mga biktima ng nasunog na footwear factory ng Kentex Manufacturing Corporation sa Valenzuela City.
Ayon kay SSS Asst. Vice Pres. Luisa Sebastian, iprinoseso na nila ang benefit claims ng 11 mula sa 72 biktima matapos makilala na ng mga forensic expert ang mahigit 60 nasawi.
Tinaya sa P20,000 na kompensasyon habang karagdagang P20,000 funeral benefits ang matatanggap ng mga pamilya matapos ang processing ng applications.
Samantala, inihayag ni Sebastian na lima mula sa 11 iprinosesong claims ay “ready for pickup” na.
By Drew Nacino