Muling binanatan ni Pangulong Duterte ang European Union.
Ayon sa Pangulo, minsan nang nagbanta sa kanya ang EU na puputulin ang tulong nito sa Pilipinas sa dahil sa mga nangyayaring patayan sa bansa bunsod ng giyera ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Ikinagalit ng Pangulo ang mistulang pangmamaliit ng EU sa pilipinas.
Binigyang diin ng Pangulo na mayroon siyang tungkulin na pangalagaan ang bansa at dignidad ng mamamayan kayat ganoon na lamang ang kanyang nararamdamang galit sa EU.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Ralph Obina