Sumampa na sa sampu (10) ang kumpirmadong patay dahil sa hagupit ng super bagyong Lawin.
Sa panayam ng DWIZ kay NDRRMC Exec. Dir. Usec. Ricardo Jalad, sinabi nitong galing sa Region 2 at Cordillera Region ang mga naitala nilang nasawi na karamihan ay natabunan ng lupa.
Habang, kinukumpirma pa anya nila kung may kinalaman sa bagyo ang anim pang napaulat na nasawi sa kasagsagan ng bagyo.
Samantala, sinabi pa ni Jalad na matapos ang kanilang aerial inspection kahapon sa gitna at hilagang Luzon, nakita nilang pinakamalaki ang natamong pinsala sa agrikultura ng Region 2, Isabela at Cagayan.
By Jonathan Andal (Patrol 31) | Sapol