Dalawampu’t anim na Asian Seafarers kabilang ang ilang Filipino ang pinalaya na ng Somali Pirates matapos ang mahigit 4 na taon simula nang i-hijack ang kanilang barko sa Indian ocean.
Bukod sa ilang Pinoy, binubuo rin ang crew ng mga Tsino, Cambodian, Indonesian, Vietnamese at Taiwanese.
Ayon sa mga otoridad, mula sa bayan ng Harardere sa Somalia ay dadalhin ang mga biktima sa Nairobi, Kenya.
Pebrero taong 2012 nang hijackin ang kanilang barko ng mga pirata sa karagatan ng Seychelles kung saan pinatay ang kapitan ng vessel habang Dalawang iba pang tripulante ang namatay dahil naman sa sakit.
By: Drew Nacino