Inaasahang makararanas ng mga pag-ulan ang silangang bahagi ng bansa sa mga susunod na araw dahil sa pagsisimula ng pagpasok ng hanging Amihan.
Ayon sa PAGASA, posibleng magsimula sa susunod na linggo ang Amihan at indikasyon nito ang mahinang mga pag-ulan.
Isa rin sa hudyat na papasok na ang Northeast Monsoon ang pagiging madalang ng thunderstorms.
Karaniwang nagsisimula ang ‘Amihan’ sa Siberia, Russia bilang malamig at tuyong hangin na umiihip patungong Pacific Ocean at South East Asia kabilang ang Pilipinas.
Dahil dito, asahan na rin ang unti-unti pagbaba ng temperatura na indikasyon din ng papalapit na Pasko.
By: Drew Nacino