Iginiit ng Malakaniyang na hindi nito binabalewala ang desisyon ng international arbitral court hinggil sa usapin ng South China Sea.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar paulit ulit na sinasabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya kakalas sa desisyon ng PCA o Permanent Court of Arbitration hinggil sa nasabing usapin .
Itinanggi ni Andanar ang hinalang nagpaubaya na ang Gobyerno sa china hinggil sa claim nito sa West Philippine Sea .
Una nang inihayag ni Senador Risa hontiveros na tila isinuko na ng Pangulong Duterte ang tagumpay ng Pilipinas sa PCA Decision.
By: Judith Larino