Halos P100,000 ang matatanggap ni dating PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima na monthly pension sa oras na mag-retiro ito sa serbisyo.
Ayon kay PNP Spokesman S/Supt. Bartolome Diaz, hindi pa kasama sa matatanggap ni Purisima ang P4.8 million na retirment benefits dahil nahaharap pa rin ito kaso.
Hindi pa rin, aniya, makukuha ng dating PNP chief ang lump sum benefits nito na P3.2 – 5.4 million ma-abswelto man ito o hindi.
Gayunman, maaari namang mag-apply ng leave of absence sa sandaling matapos na ang suspension nito sa Hunyo 9 hanggang magretiro sa Nobyembre 21.
By Cris Barrientos / Drew Nacino