Sumampa na sa halos 3 bilyong piso ang halaga ng pinsalang dulot ng super typhoon lawin sa imprastraktura at agrikultura.
Pinakamatinding napinsala ang mga imprastraktura sa northern Luzon sa Regions 1, 2, 3 at CAR.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabuuang 13,966 na kabahayan ang nawasak o napinsala sa mga nabanggit na rehiyon.
Isinailalim naman sa state of calamity ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Mountain Province, Ilocos Norte, Kalinga at Apayao.
By Drew Nacino