Kanya-kanyang pabonggahan ang mga bituin sa 10th Star Magic Ball, kagabi.
Agaw-pansin si Liza Soberano kasama ang kanyang on-screen partner na si Enrique Gil at suot ang gown na gawa ni Michael Cinco dahilan upang maiuwi niya ang best dressed award.
Best dressed din ang aktor na si Zanjoe Marudo.
Hindi rin nagpatinag sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kanilang outfits.
Ipinakilala naman sa mga reporter ni Sam Milby ang kanyang Filipina-British model girlfriend na si Mari Jasmine sa kanilang red carpet debut.
Sabay dumating sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na itinuturing na pinaka-magandang babae sa Star Magic Ball.
Na-ispatan din sina Bea Alonzo at Gerald Anderson, na una ng umaming nagde-date muli matapos magtambal sa isa nilang pelikula.
Samantala, namataan din ang ABS-CBN executive na si Charo Santos-Concio kasama ang co-star sa Indie film na “Ang Babaeng Humayo” na si John Lloyd Cruz.
By Drew Nacino
Photo Credit: Star Magic