Inihayag ng National Food Authority Bids and Awards Committee na ang Vietnam lamang ang nanalo sa government-to-government bidding kaugnay ng aangkating 250,000 metric tons na bigas ng Pilipinas.
Gayunman, inihayag ni Joseph Dela Cruz, deputy administrator for marketing operations ng NFA, na 150,000 metric tons lamang ang na-bid ng Vietnam sa halagang U$410 kada metriko tonelada.
Ang nalalabing 100,000 metric tons ay pag-uusapan pa sa NFA Council.
By Monchet Laraño / Drew Nacino