Hinihintay ng VACC ang iba pang dokumento para supplemental affidavit na isusumite nito kaugnay sa kasong isasampa laban sa mga opisyal ng Manila City government na umanoy nakinabang sa pagpapa renta sa Army Navy Club sa Maynila.
Ayon kay VACC founding chair Dante Jimenez inuna muna nilang kinasuhan sila dating PAGCOR Chair Cristino Naguiat at mga dating board directors nito at iba pang dating opisyal ng PAGCOR.
Sinabi ni Jimenez na nais nilang pananagutin ang grupo dahil sa pagpayag na rentahan ng 15 taon ng Mother Management Corporation ang Army Navy Club.
Sinasabing mahigit 3 Billion Pesos ang kontrata subalit nalustay lamang umano ang paunang bayad.
By: Judith Larino / Bert Mozo