Muling magtatambal sa isang telerserye ang tinaguriang ‘Kimerald’ loveteam matapos ang 4 na taon.
Sa ginawang anunsyo ng Dreamscape Productions, inihayag na ang ex-couple na sina Kim Chiu at Gerald Anderson ay bibida sa upcoming series na ‘Ikaw Lang Ang Iibigin’.
Ilan pa sa makakasama sa serye ay sina Coleen Garcia, Jake Cuenca, at Helen Gamboa.
Sa ngayon ay wala pang ibang detalye kung kailan ipapalabas ang serye ngunit agad na bumuhos ang excitement ng mga ‘Kimerald’ fans sa social media sa nalalapit na reunion project ng kanilang mga idol.
Ang serye ay sa direksyon ni Dan Villegas.
Photo: Screengrab from dreamscapeph / Instagram