Nanindigan si Senador JV Ejercito sa panukala niyang ipatupad sa buong bansa ang emergency powers at sakupin maging ang sea at air transportation.
Sinabi ni Ejercito na kaya may mga foreign direct investors na hindi mahikayat mag-invest sa bansa dahil sa hindi mahusay ang mga paliparan at pantalan gayundin ang mga railway system.
Ayon kay Ejercito, matindi na ang pangangailangang gawing moderno ang mga airport at seaport para maging kaaya-aya sa mga turista.
Isa si Ejercito sa naghain ng panukalang bigyan ng emergency powers ang Pangulong Rodrigo Duterte para solusyunan hindi lamang ang trapiko sa Metro Manila kundi maging ang sea at air transportation.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)