Bigo ang Pilipinas na mag-angkat ng kinakailangang buffer stock ng bigas para sa lean season.
Ito’y makaraang ihayag ni Joseph dela Cruz, National Food Authority (NFA) Deputy Administrator for Marketing, na ang Vietnam lamang ang nanalo sa government-to-government bidding kaugnay ng aangkating 250,000 metric tons ng bigas ng Pilipinas.
Nasa 150,000 metric tons lamang aniya ang na-bid ng Vietnam sa halagang 410 US Dollars kada metriko tonelada o kapos ng 100,000 metric tons.
Ang nalalabing 100,000 metrikong tonelada ay tatalakayin pa ng at magsusumite rin ng recommendation sa NFA Council kung kailangan muling mag-bid para sa aangkating bigas.
By Drew Nacino | Monchet Laranio