Kakalimutan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA kung magtatagal siya bilang Presidente ng bansa.
Sa ilalim ng nasabing kasunduan ng Amerika at Pilipinas, papayagan na maragdagan ang mga sundalo ng Estados Unidos na nasa Pilipinas.
Kasama rin sa EDCA ang paggamit ng tropa ng Amerika sa mga base militar ng Pilipinas upang paglagyan ng mga kagamitan na maaaring magamit sa panahon ng pangangailangan gaya ng kalamidad.
Una nang inihayag ni Pangulong Duterte na hangad niya na tanging mga sundalong Pinoy lang ang makikita niya sa Pilipinas.
By: Avee Devierte