Tinatayang 200,000 trabaho ang maibibigay sa susunod na taon ng 12 business deals ng Japanese at mga Pilipinong negosyante.
Ayon ito sa Department of Trade and Industry (DTI) kasunod nang pagbisita sa Japan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinabatid ng DTI na ang pangakong investments ay nasa sektor ng automotive, vehicle parts, electric vehicles, ship building at ship repair, biomass fuel, renewable energy, solar at energy management system, optical image stabilizers at agrikultura.
Tiwala ang DTI na higit pang lalakas ang trade and investment mula sa Japan na pinakamalaking trading partner ng Pilipinas kung saan mahigit 18 billion US dollars ang total trade.
By Judith Larino | Allan Francisco (Patrol 25)