Nagpalabas na ng panuntunan ang Simbahang Katolika hinggil sa mga yumaong isinailalim sa cremation o pagsusunog sa mga labi.
Sa ipinalabas na kalatas ng Congregation for the Doctrine of the Faith, sinabi nito na dapat inililibing ang urn o sisidlan ng abo ng isang pumanaw at hindi ito isinasaboy sa kahit saan tulad ng dagat o sa lupa.
Hindi rin dapat ipinagbabaha-bahagi ang abo sa miyembro ng pamilya ng isang namayapa at hindi rin dapat inilalagay ang abo sa mga alahas o kahalintulad na bagay.
Magugunitang tutol ang Simbahang Katolika sa cremation ng isang yumao dahil sa paniniwalang sagrado ang katawan ng isang tao at itinuturing pa bilang tahanan ng Diyos.
Ngunit dahil sa mga usaping pangkalikasan at ekonomikal dala ng makabagong henerasyon, binuksan ng Simbahan ang pintuan nito ngunit sa kundisyong dapat pahalagahan pa rin ang pagiging sagrado ng isang namayapang tao.
By Jaymark Dagala