Nagsimula na ang kampanya ng Department of Health (DOH) laban sa dengue.
Ayon sa DepEd Region 7, nagkaroon ng anti-dengue sortie ang lahat ng mga school heads sa pagpapatupad ng dengue awareness sa kani-kanilang paaralan.
Nagpapatuloy din ang mga seminar sa mga estudyante kung saan tinuturuan ang mga ito na panatilihing malinis at tuyo ang kapaligiran upang hindi pamahayan ng mga lamok.
Sa tala ng DOH, aabot na sa 2,000 katao ang nagkakasakit ng dengue ngayong taon, 300 sa mga ito ay naitala sa Central Visayas partikular sa Cebu City.
By Rianne Briones