Aminado ang principal whistleblower na si Benhur Luy na tumanggap siya ng P5 million pesos na kickback sa umano’y pork barrel scam queen Janet Napoles.
Ito ang naging testimonya ni Luy sa bail hearing ni Napoles sa Sandiganbayan 3rd Division kaugnay sa kinakaharap nitong plunder case maging ni Senator Juan Ponce Enrile.
Ayon kay Luy, natanggap niya ang kickback mula noong 2004 hanggang 2012 bilang finance officer ni Napoles.
Pinangakuan umano siya ni Napoles ng 5 percent kickbacks mula sa mga Foundation President at isa pang 5 percent mula naman sa mga incorporator.
Inihayag din ng principal whistleblower na tinaya sa P586 million pesos na Priority Development Assistance Funds (PDAF) ni Enrile simula 2004 hanggang 2012 ang inilipat sa mga pekeng Non-Government Organization ni Napoles upang makakuha ng kickback na 40 percent o P222.8 million pesos.
By Drew Nacino