Nagsisimula nang dumagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga pasaherong uuwi ng mga lalawigan kaugnay sa paggunita ng Araw ng mga Patay.
Sinabi sa DWIZ ni NAIA General Manager Ed Monreal na inaasahan na rin nila ito dahil bahagi ng peak season ang Undas.
Bahagi ng pahayag ni NAIA General Manager Ed Monreal
Pinayuhan ni Monreal ang mga pasahero na bantayang mabuti ang kanilang mga bagahe para makaiwas sa mga magnanakaw at agahan ang pagtungo sa airport.
Bahagi ng pahayag ni NAIA General Manager Ed Monreal
Bus terminals
Nagsimula nang magdagsaan sa mga bus terminal ang mga uuwi ng mga probinsya para sa paggunita ng Araw ng mga Patay.
Sa Araneta bus terminal sa Cubao, Quezon City, ilang commuters na ang namataang maaga pa lamang ay nag-aabang na ng mga biyahe ng bus.
Hindi pa naman puno ng tao ang nasabing terminal dahil inaasahang bukas pa ng hapon dadagsa ang mga biyahero lalo nat inaasahan ang long weekend.
Nananatiling mahigpit ang seguridad sa naturang terminal kung saan naglilibot sa area ang mga pulis at maging ang mga guwardya para matiyak ang kaayusan dito.
Standby force
Nagdagdag na ng puwersa ng mga pulis sa mga bus terminal, air at sea ports simula ngayong araw na ito.
Sinabi ni NCRPO Director Chief Supt. Oscar Albayalde na bahagi ito nang pinaigting nilang alerto dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero pauwi ng mga lalawigan.
Maliban sa mga naka-deploy, ipinabatid ni Albayalde na mayroon silang standby force sakaling kailanganin.
Kasabay nito muling pinayuhan ni Albayalde ang mga pasahero na huwag magdala ng maraming bagahe at magbitbit ng mga ipinagbabawal na gamit.
By Judith Larino | Raoul Esperas (Patrol 45)