Bantay-sarado na ng mga pulis ang mga bus terminals sa harap ng pagdagsa na ng mga pasaherong pauwi ng probinsya para sa Undas.
Ayon kay Chief Superintendent Oscar Albayalde, hepe ng PNP-NCRPO, ang mga makikitang pulis ngayon sa mga bus terminals at port area ay bahagi lamang ng mahigit sa 7,000 pulis na ide-deploy nila sa Lunes at Martes.
Maliban sa pagbibigay ng ayuda sa mga pasahero, target rin anya ng mga pulis na tiyaking walang makakapagdala ng kontrabando sa mga pampasaherong sasakyan.
Bahagi ng pahayag ni Chief Superintendent Oscar Albayalde
Samantala, maliban sa mga naka-istasyon na pulis sa mga pantalan, bus terminals at sementeryo, tiniyak ni Albayalde na marami ring pulis ang mag-iikot sa mga residential areas .
Bahagi ng pahayag ni Chief Superintendent Oscar Albayalde
Road-worthiness
Target ng task force na binubuo ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metro Manila Development Authority (MMDA) at Highway Patrol Group (HPG) na ikutin ang lahat ng mga bus terminals.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary Edgar Galvante, hepe ng LTO, layon nilang maiwasan ang anumang aberya at aksidente sa kalsada habang bumibiyahe ang mga pauwi ng probinsya para sa Undas.
Sinabi ni Galvante na maiiwasan ang aberya kung bago pa man umalis ng terminal ang bus ay nasuri na kung walang diperensya ang sasakyan at kung nasa kundisyon maging ang driver at kundoktor nito.
Maging ang mga tanggapan anya nila sa lalawigan ay bumuo na rin ng task force upang matiyak naman ang road worthiness ng mga bibiyaheng bus pabalik ng Metro Manila.
Bahagi ng pahayag ni LTO Chief Asec. Edgar Galvante
MMDA
Naka-posisyon na ang mga ayuda mula sa MMDA o Metro Manila Development Authority para sa mga motorista ngayong Undas.
Ayon kay Celine Pialago, Spokesperson ng MMDA, ngayon pa lamang ay naka-deploy na ang special teams ng parkway clearing group upang matiyak ang maayos na pagparada ng mga sasakyan sa mga sementeryo.
Mula naman sa Lunes hanggang sa November 1 ay maglalagay sila ng mga ambulansya sa mga pangunahing sementeryo sa bansa at maging sa malalaking bus terminals.
Sinabi ni Pialago na ang buong 2,500 tauhan ng MMDA ang ipakakalat nila sa Undas para magbigay ng ayuda sa mga motorista.
Bahagi ng pahayag ni MMDA Spokesperson Celine Pialago
By Len Aguirre | Ratsada Balita | Balitang Todong Lakas