Humarap kay PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa ang 2 artista makaraang magtungo ang mga ito sa Kampo Crame.
Batay sa panayam ng DWIZ sa isang heneral ng PNP na tumangging magpasapubliko, sinamahan umano ng PNP Chief ang aktor na si Cesar Montano at isa na nakilala lamang sa tawag na Quizon sa PNP crime lab para sumailalim sa drug test.
Gayunman, sinabi ng heneral na hindi maaaring ilabas ang resulta ng drug test ng 2 sa publiko dahil direkta lamang itong ibinibigay sa nagpa-drug test.
Hindi rin masabi ng source kung para saan ang nasabing drug test na hindi naman aniya karaniwang ginagawa maliban na lamang kung ito’y nahaharap sa kasong kriminal o di kaya’y kumukuha ng lisensya ng baril.
By: Jaymark Dagala