Walang kasunduang nilagdaan ang gobyerno sa China kaugnay sa pangingisda ng mga Pilipino sa Panatag shoal.
Ayon ito kay National Security Adviser Hermogenes Esperon sa gitna na rin nang malayang pangingisda ng Pinoy fishermen sa nasabing lugar.
Inihayag ni Esperon na welcome sa gobyerno ang pagbabalik sa Panatag shoal ng mga mangingisdang Pilipino.
Sinabi ni Esperon na lumalabas sa kanilang monitoring na mula October 17 hanggang 27, dalawang Chinese ships lamang na kinabibilangan ng isang research ship at frigate ng Chinese navy ang namataan sa naturang karagatan.
Mula aniya ito sa dating average na limang navy at apat na Chinese coastguard ships kada nuong mga nakalipas na araw.
By Judith Estrada Larino (Photo Credit: Reuters)