Muling pinayuhan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga nagtutungo sa mga sementeryo na magbaon ng payong dahil sa posibleng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, inaasahang magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Visayas, Mindanao at ilang bahagi ng southern Luzon ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) hanggang bukas o sa mismong araw ng Undas.
Maaari ring makaranas ng bahagyang maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang nalalabing bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila.
Samantala, posibleng maging bagyo sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw ang binabantayan ng PAGASA na Low Pressure Area malapit sa Davao City.
By Drew Nacino