Kinilala ng Guinness Book of World Records ang kantang ‘Pen – Pineapple – Apple – Pen’ ng Japanese comedian na si Pikotaro bilang pinakamaigsing awitin na nakapasok sa Billboard Hot 100.
Pormal nang tinanggap ng komedyante ang certificate suot ang kanyang trademark na animal print costume.
Ayon kay Pikotaro, maging siya ay nagulat sa pagsikat ng kanyang 45 seconds na kanta dahil wala naman itong saysay o katuturan.
Nakuha ng naturang kanta ang ika-77 pwesto sa Billboard Hot 100 list at may 65 million views sa YouTube.
By Rianne Briones
WATCH HERE:
https://www.youtube.com/watch?v=d9TpRfDdyU0