Walang alternatibong plano ang gobyerno para sa tinatayang 12,000 manggagawa sa Valenzuela City na posibleng mawalan ng trabaho kapag ipinasara ang lahat ng mga kumpanya sa lungsod na walang fire safety inspection certificates.
Binigyang diin ito ni TUCP-Nagkaisa National Spokesman Alan Tanjusay kaya’t umaapela sila kay Mayor Rex Gatchalian na bigyan ng 10 araw ang mga kumpanya para masunod ang requirements.
Una nang ipinag-utos ni Gatchalian ang pag-revoke sa business permits at pag shutdown sa mga nasabing kumpanya matapos magbanta ang Pangulong Noynoy Aquino na kakasuhan ang mga may pananagutan sa sunog sa isang pabrika ng tsinelas.
By Judith Larino