Inaasahan nang ilalabas ng korte anumang araw ang desisyon sa apela ng Committee on Peace Process na huwag nang arestuhin si Moro National Liberation Front (MNLF) Founder Nur Misuari na isinasangkot sa Zamboanga siege noong 2013.
Ayon ito kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza.
Binigyang diin ni Dureza na malaki ang magiging malaki ang papel ni Misuari sa patuloy na peace negotiation ng gobyerno sa CPP-NPA-NDF para magkaroon ng kinatawan ang MNLF sa nasabing negosasyon.
Sinabi ni Dureza na hindi naman isinasantabi ng gobyerno ang legal at judicial process bagamat minamadali ng administrasyon ang pagpapalaya sa political prisoners na lalahok sa negosasyon.
Kailangan din aniyang bigyan ng humanitarian consideration ang iba sa kanila dahil na rin sa kanilang katandaan.
By Judith Larino