Tila nawawalan na ng pag-asa ang mga survivor ng super typhoon Yolanda na nananatili pa rin sa mga bunkhouse sa Tacloban City.
Patuloy pa ring nagtitiis ang mga residente kahit halos 2 taon na ang nakalipas matapos ang mapaminsalang bagyo at hindi nila batid kung kailan makakalipat sa permanenteng tahanan.
Karamihan sa nagkakasakit ay mga batang evacuee na inuubo, sinisipon at mayroong hindi malamang sakit sa balat dahil umano sa tubig na ginagamit nila.
Dahil dito, nanawagan ang mga residente sa gobyerno na madaliin na ang kanilang permanent shelters na ang target ipatayo ay 14,000 subalit nasa 2,000 pa lang ang natatapos.
By Judith Larino