Nilinaw ng Department of National Defense o DND na hindi tatanggalin ang lahat ng checkpoints sa buong bansa.
Ito’y ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos ang naging utos ng Pangulong Rodrigo duterte.
Sinabi ni Lorenzana, mananatili pa rin ang mga mobile checkpoints partikular na sa mga magugulong lugar na nakararanas ng karahasan.
Paliwanag pa ni Lorenzana, tanging ayaw lang ng Pangulo ang mga sobra-sobrang checkpoints na naka-a-abala sa pagbiyahe ng mga motorista lalo na ng mga negosyante na nagbibiyahe ng kanilang mga produkto.
By: Jaymark Dagala