Ipinatupad na ang mas pinalawak pang number coding scheme sa Metro Manila sa layuning maibsan ang masikip na daloy na trapiko lalo na ngayong malapit na ang kapaskuhan.
Sa ilalim ng pinalawig at pinalawak na number coding scheme, mas maraming lugar na ang sasakupin ng no window hour policy at aabot na hanggang alas 8:00 ng gabi ang pagpapairal sa number coding.
Nadagdag sa masasakupang lugar ang CM Recto Avenue, President Quirino Avenue, Araneta Avenue, Bulacan-Rizal-Manila-Cavite regional expressway, Taft Avenue, SLEX, Shaw Blvd, Ortigas Avenue, Magsaysay Blvd/Aurora Blvd, Quezon Avenue/Commonwealth Avenue, A. Bonifacio Avenue at Del Pan/Marcos Highway at Mc Arthur highway.
Una nang ipinatupad ang no window hour policy sa EDSA, C-5, Roxas Blvd, Alabang-Zapote road, Mandaluyong, Las Piñas at Makati City.
By: Len Aguirre