Nangako ang China na maglalaan ito ng 6 Bilyong Piso para sa official development assistance ng Pilipinas at 3 Bilyong Pisong hiwalay na pautang para sa infrastructure development sa mga probinsya.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, kabilang sa mga proyektong posibleng pondohan ng China ang 200 Bilyong Pisong railway sa pagitan ng Maynila at Bicol.
Nakaabang na rin ang isang malaking proyektong pang-irigasyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sinabi rin ni Dominguez na mas tututukan nila ang mga proyekto sa labas ng ka-Maynilaan.
Layon, aniya, ng administrasyon na makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga tao sa probinsya upang mabawasan ang kahirapan doon.
By: Avee Devierte