Aarangkada na bukas ang implementasyon ng Graphic Health Warnings Law.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, ito’y nangangahulugan na dapat lahat ng mga pakete ng mga ibinebentang sigarilyo ay nagtataglay na ng mga larawan ng masamang epekto sa katawan ng paninigarilyo.
Paliwanag ni Ubial, batay sa Republic Act 10643, hindi papayagang maibenta sa merkado ang mga sigiralyo na walang GHW o Graphic Health Warnings.
Layon ng GHW na makalikom ng sin tax mula sa mga tobacco products upang mabawasan ang consumption ng sigarilyo.
Ibinabala pa ni Ubial na mahigpit na babantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang implementasyon ng naturang batas.
By Jelbert Perdez